Eight of the sixth of two; Paalala na kailangan mong masaktan

Mahal, hindi ito isang sulat para ihele ka sa pagtulog mo o paginhawain ang iyong pakiramdam. Mahal, ito ay isang paalala- na kailangan mong masaktan.

Dadating ang mga araw na pakiramdam mong unti-unti kang binabagsakan ng langit. Na parang wala ka nang suporta na mahahanap at kailangan mo itong mag isang bitbitin.
Dadating ang mga araw na iiwanan ka ng mga naka paligid sa’yo na tinurin mo nang parte ng mundo mo. Gugustuhin mong magalit. Gugustuhin mong awayin sila. Sigawan. Itulak. Magdabog hanggang may masirang bagay o may sugat kang makita. Gugustuhin mo silang sisihin, at tanungin na bakit nila kailangan umalis. At hindi mo matatanggap ang mga salitang lalabas sa kanilang bibig. Nanaisin mong ang galit mo’y magpapabago ng isip nila para manatili na lang sa tabi mo.
Ngunit hindi ito maaari, at alam mo ‘to.
Alam mong hindi naka baon ang mga paa nila sa lupang ginagalawan mo, katulad ng hindi mo pag nais na sa isang lugar ka lang mapako.
Alam mong matututo din silang lumipad, katulad ng pag nais mong tumalon sa iba’t ibang lugar. At sa simula man ay sabay sabay kayong dadayo, alam mong iba iba ang mga hangin na tatahakin niyo.
Dadating ang mga araw na lalagapak ka sa pagod, sa pakiramdam na ika’y nag-iisa, sa bigat ng pagdala mong iniwan ka nila.
Pero kailangan mong dumating sa puntong aahon ka sa sarili mong luha.
Kailangan mong dumating sa mga araw na hindi mo na kailangan ng ibang pakpak para tulungan kang sugurin ang mga ihip ng hangin.
Dadating ka sa panahong hindi mo na kailangan mag handa, o mag kunwari. Dahil dadating ang mga araw na kaya mo nang mag-isa.
Na kaya mo na ang susunod na dala ng tadhana.
Na hindi na masakit. Na kaya mo na ulit.
Advertisements

Leave something behind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s