Twelve forty-six of the Nineteenth of nine; Tagu-taguan

May dalang ngiti ang mga pasimpleng tingin, o bati mo sakin palagi.

Sa mga pagkakataon, pilit man o libreng bigay ng panahon, na para bang lagi mong kailangan kunin ang aking kamay para ipalibot ang mga daliri mo at halikan ito.

Sa mga pabaon na paalala sa labi na ito parin ang gugustuhin, kahit di man masabi o mapahiwatig lagi.

Sa mga bulong ng pag tatanong kung bakit hindi na lang tayo.

Sa mga buntong-hininga ng pagka dismaya na bakit ngayon lang tayo nagkita.

Hindi pareho ang tingin natin dito sa tingin ng ibang tao. Iba ang sasabihin nila at itatawag dito.

Pero hindi nila alam na naging mapaglaro lang ang tadhana, kaya’t nadala ka sa piling ng iba.

Hindi nila alam na iba ang mga ngiti mo sa tuwing tayo’y magkasama, kumpara sa pag katabi mo siya. Hindi nila alam na minsan, pareho tayo ng hinihiling na ako ang na sa pwesto niya.

Hindi pampalipas-oras ang tawag dito, o bawal, o mali. Mas bagay siguro ang salitang ‘sayang’.

Masaya, ngunit sayang, dahil laging hanggang dito na lang.

Advertisements

Leave something behind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s