One of the eighteenth of seven; Hindi ko alam ang kalye ko

Tanungin mo ako kung saan ang isang lugar, at tititig ako sa’yo na parang batang walang muang.

Tanungin mo ako tungkol sa daan at iiwanan mo akong tulala.

Kahit daan pauwi, kapag maiba ang pinanggalingan ay hindi ko kayang ituro kung saan ang lusot at kaduluhan.

Hindi ako magpapanggap na alam ko ang isang bagay. Madali kong tanggapin at aminin na hindi ko to alam.

Maaaring nakakalokong isipin, pero mahilig ako sa pag lakwatsya.

Kahit hindi ko man matandaan paano pumunta, anong kanto o kalye, patungo sa isang paroroonan, wala akong pakialam.

Basta’t alam kong sabik ako na may makitang bago, o iba sa laging andyan. Minsan kahit may pahintulot man o bawal.

Siguro kaya minsan pakiramdam ko ako’y isang ligaw.

Hindi na kailangan ng malalim na pag intindi o eksplenasyon- na kaya ako hindi marunong sa daan, dahil kahit saan man ako mapunta’y pakiramdam ko, dito, hindi dapat.

Totoo na hindi ako takot dalhin sa kung saan man, lalo na pag bago sa aking nakasanayan.

Hindi ako takot na humarap sa mga bagay na bago sa aking paningin, amoy, o pakiramdam.

Pero totoo din na maalala ko man kung ano ang dala nito sa akin, sadyang nakakalimutan ko din kung paano bumalik.

Hindi dahil mahina ang aking memorya, o mahina ang aking pag-iisip. Siguro kaya mabilis ako makalimot kung paano patungo, dahil hindi ako bagay saan man ako mapa rito.

Bawat pag alis, pag dating, pag saglit, at pag tambay, hinahanap kung saan ang matatawag kong tahanan.

Hindi ko din alam kung anong istraktura ang talagang hanap ko. Isang bahay bang gawa sa bato, o dalawang brasong aakap at kukupkop.

Madalas, mahirap harapin ang sumasagi sa isip na baka wala naman talaga akong paroroonan, o bawat pag-ikot ay walang kahihinatnan.

Alam mo ba kung anong pakiramdam na para kang nilalamon ng dilim at sumisikip ang daan? Ng natatakot manatili sa isang pwesto dahil baka hindi ito para sa iyo at may umangkin man o mag tulak sa’yo papalayo?

Kilala ako na laging wala sa pwesto, pakalat-kalat, paiba-iba ng posisyon, hindi mapalagay.

Aaminin ko at hindi ako magpapanggap, hindi ako marunong sa daan, at hindi ko din kayang magtagal sa isang lugar.

Tanungin mo man ako, wala akong maisasagot na matino at katanggap-tanggap na rason. Alam ko lang ay hindi ito ang destinasyon ko.

Advertisements

Leave something behind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s