Twelve of the twenty-ninth of five; Sampung Sikat ng Araw

Kung tatanungin, ikukumpara kita sa araw.


Una, dahil mas madalas kita makausap sa umaga, o pa-umaga. Laging tahimik ang telepono sa hapon dahil kailangan natin parehong tumakbo pasabay sa ikot ng mundo, kaya minsa’y isa’t-isa ay nagiging pang una o pang salubong.
Pangalawa, hindi man kita masulyapan sa isang araw, ramdam ko ang iyong init, sinta.

Pangatlo, nakamamangha nga naman, pero naging isa ka nang tatak o simbulo ng mga bagay-bagay, katulad ng

Pang-apat, nais ko laging gumising sa mga bagong simula

Pang-lima, hindi makapaghintay na masilayan muli pag gising sa pag himbing dahil mahal, ikaw ang simula

Pang-anim, iwasan ma’y hindi magagawa sa mga ikakalungkot o ikakatalo sa mga bagay at pagsubok pero halik mo’y lasang pag-asa

Pang-pito, may kaonting kirot sa ‘yong mga salitang dumadaplis sa aking balat, parang pamilyar ang pangalan niya

Pang-walo, hindi ko sigurado kung gusto pa kitang maramdaman dahil parang pinapaso ako ng mga yakap mong may nakabalot na iba

Pang-siyam, bakit kanina’y tirik nati’y malakas, ngayo’y biglang naglaho at pinalitan ng bagyo ng ganun ganun na lang

Pang-sampu, tulad ng araw, hindi lang pala ako ang may kilala sa’yo. Hindi lang ako ang gustong magmay-ari sa’yo. Hindi ka pagmamay-ari ng kahit sino.

At naisin mang takpan ng mga yakap ng kamay, o hawakan ng hindi mawala, hindi ko rin kakayanin pala. Dahil kahit gaano tiisin, dadating din ang oras na mapapagod at mas gugustuhing mawalay sa’yo.

Dahil mahal, ikaw man ay isang araw at simbulo ng buhay, lapitan ka masyado’y ikakaubos ko din mismo.

 

* Submitted to Drunken Poetry Night’s contest last April, 2016.

Advertisements

Leave something behind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s