Eleven twenty-nine of the eleventh of three; Langoy

Isa sa pinaka kinakatakot kong harapin ay ang pag langoy.

Hindi ako takot sa dagat. Kung tutuusin, isa ito sa pinaka nagpapakalma saking tanawin. Ang tunog ng mga alon sa kanilang pagtatapos sa pangpang ay ang siyang humehele sa akin, habang ang amoy nitong hindi kayang gayahin ng kahit anong pabango’y nagpapanggap na unan sa pag himbing.
Ngunit pag lumusong, kinakailangan ko ng kakapitan. Takot ako sa walang kasiguraduhang babagsakan ng mga paa kung sakali mang hindi na kayaning lumutang. Nababagabag ako sa ideya ng lalim at kung ano pang posibleng nakatago sa kailaliman.


Pero kung pagbibigyan ako ng pagkakataong humiga sa dagat na may nakayakap na saklolo, o na nakahandang sasalo, hindi ako magdadalawang isip na maparito.


Hindi ba’t parang nakakatuwang paglalaro sa isip na ikumpara ito sa iyong mga mata. Kalmado pero may natatagong kalakasan. Hirap tukuyin kung ano ang laman, habang sabay na nakakaengganyong pagmasdan at malamang ito’y destinasyon ng pagkawala.


At kung ito lang din ang dagat na kailangan languyin, ay buong loob akong magpapakatangay at magpapakalunod, kung ibig sabihin nito’y sa’yo ako patungo.

Advertisements

Leave something behind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s