Six sixteen of the twenty-fourth of two; Hinahanap kita

Aaminin kong hinahanap kita.

Kasabay ng bawat tanggap at buga ng hangin sa bibig, hinahanap kita.

Sa tunog na dala ng bawat pitik ng mahabang kamay sa relo, kasabay nito ang bawat letra ng pangalan mo, hinahanap kita.

At pagmasdan mo ang langit, sinta, kung hindi mo mabilang ang mga tala, hindi ko na din mabilang kung ilang beses.

Mahal, hinahanap kita.

 

Minsan napapatanong

Saan banda ng akap mula sa ibang tao ka nakasiksik at nakatago

pang ilang halik sa pisngi bago ka lumitaw sa tabi ko

ilang kamusta o pagtatanong ng ‘okay ka lang ba’, upang hindi na kita muling hanapin pa

pero teka, sadyang nagpapahanap ka lang ba talaga?

Dahil mahal, sana alalahanin mo na lang

kahit bagay na hindi ko kayang ikaila

hindi ako eksperto sa paglalahad ng aking nadarama.

Kaya’t kung maaari, ihambing mo na lang

sa pag litaw at pag tago ng araw at buwan

sa pag angat at baba ng balikat sa pag hinga

sa ugong na dala ng pag bagsak ng malakas na ulan

sa mga tibok na waring hugis mo ang imaheng nalilikha.

Sinta, kailangan ko pa bang maghanap ng ilalarawan sa iyong halaga?

Dahil lahat ng natural na dumadating at nangyayari

aaminin ko, mahal

hinahanap kita.

Advertisements

Leave something behind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s