Twenty one of One; Yugto ng estrangherong ligaw

Pag-iisa


Minsan, parang pag hampas ng alon sa mga bato na wala namang ginagawang masama sa dagat, o pakialam, bigla bigla na lang din talagang dadating yung pagkakataon na hihila at magdadala sa’yo sa alinlangan at ipapadama sa’yo kung gaano kalungkot na mag isa ka ngayon. Parang nakakabastos din madalas sa damdamin, no? Tahimik ka lang naman, wala ka naman tinatanong o sinasabing masama, pero bigla na lang ipapadama sa’yo ng tadhana na wala, o wala pang itinakda sa’yo.

Ayos ka naman. Pero mapapatanong ka kung sinumpa ka ba, o may ginawa ka bang masama kaya ka pinaparusahan na maging mag isa. Hindi mo alam kung ano ba dapat mong gawin na puputol sa kabiguan mo. Ayos ka naman mag isa, pero pamilyar ka din sa pakiramdam na buong buo ang saya mo ng may kapiling ka.

Paghahanap

Paspasan, minsan pa-bagal na naglalakad sa hindi tiyak na destinasyon, o kung tutuusin, wala pa talagang tinatanaw na nais patunguhan. Lahat tinatanaw, nagbabakasakaling makakasalubong o kaya’y mabangga ng isang itinakdang tunay na kasiyahan.

Pag dating

Gravity is not responsible for people falling in love” (Albert Einstein). Nakakamangha din isipin na may mga bagay na nangyayari na hindi mo man lang naisip na posible, mga taong dumadating na hindi mo inakalang mananatili. O mga nagpasya nang umalis, pero, andyan pa din. Mga nahulog na bukas palad mong sinalo, kahit hindi nila hiniling sa’yo na gawin mo.

Pagpupursigi

Umikot ang buhay ko sa mga pangako na tanging naka base sa tiwala. Sa tiwalang sapat ang lahat ng pinanghahawakan ko at sa panahong pinaglaanan ng oras at pagmamahal. Anim na buwan na nagmarka na sa aking kasaysayan na walang alinlangan na lahat iyon ay itinurin kong mahalaga. Hindi sayang ang ilang pahina, o kabanata na puro ikaw ang tinutukoy na tema, umpisa, at wakas. Wakas, sa saya na hindi inakalang madarama muli. Wakas, na paulit-ulit kong tinanong kung totoo ba, o isang biro lang ng panahon.

Paglalaho

Aakalain mong mistulang panaginip ang saya na naramdaman, panaginip na, katulad ng iba’y kailangan mo din gisingan. Parang mga paborito mong pelikula na may takdang pagtatapos kahit ginusto mo man o ikinalungkot ang kinahantungan. Ang saya na minsang nag iba ng pananaw at ikot ng buhay mo, ay bigla kang lilisanin na para bang ang mga pangakong bumuo ng mundo mo’y siya din mismong guguho nito.

Pagbubuo

Matagal tagal din akong naka tulala’t nakatitig sa kung saan saan, naghahanap ng kakapitan para muling makabangon sa kawalang binagsakan. Bakit nga ba walang pagod umaahon ang araw sa mga ulap na lagi ding nagtatago ng liwanag niya’t ganda? Bakit hindi siya sumusukong bigyan ang lahat na “pwede pa”, pwede pang mag simula’t gumawa ng bagong landas.

Sa rami ng oras kong hindi ko sigurado kung saan patungo, bumalik ako sa tanging bagay na alam kong gawin, at siyang nagdala sakin sa kung bakit ako naghahanap ng kahulugan sa mga daang ikaw ang naging hangganan.

Pagbangon

Nabaling ang atensyon sa kalyong nabuo sa layo ng tinungo, mahanap lang ang iisang bagay na baka pwede kong mahanap sa ibang rason. Hinayaang madama ng paa ang gaspang ng bato at mapagtantong “may mas masakit pa dito”. Nagpadala sa hampas ng alon na kahit tinangay ka na’y alam mong kakayanin mo pa ding lumangoy at bumalik sa ligtas na dako. At kahit anong gawin o tunguhin, makita o isipin, “ikaw, ikaw pa rin ang nanaisin”.

 

(Inspired by Kim Adona’s concept for a film contest entry)

Advertisements

2 thoughts on “Twenty one of One; Yugto ng estrangherong ligaw

Leave something behind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s