One seventeen of the ninth of twelve; Gusto Kita Isulat

Gusto kita isulat.
Gusto kong matutunan kung paano at saan kita maihahambing
para hindi lang ang pangalan mo ang lagi kong binabanggit.

Sa tuwing mabilis ang tibok ng puso pero hindi nakakaramdam ng pagod,
gusto kong sabihin ikaw ang rason sa bawat hampas nito sa aking dibdib.
Sa tuwing ang paraan lang para ako’y kumalma,
ay ang pag suklay ko sa iyong buhok gamit ang aking pasmadong kamay.

Meron bang tamang tono na tatangay sa himok na dumampi ang mga labi mo sa akin?
O tamang pag tahi ng mga salita na magsisilbing tulay sa mga brasong ikaw lang ang nais hagkan.
May kailangang lengguwahe ba akong matutunan para maintindihan mo at matutunan din na ako’y mahalin

Gusto ko malaman kung paano at kung kakayanin ba ng lapis na iukit sa papel ang iyong halaga.
Gusto kita isulat.
Gusto kong matutunan kung paano at saan kita maihahambing
para hindi lang ang pangalan mo ang lagi kong binabanggit.

Advertisements

Leave something behind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s