One fifty-five of the tenth of eleven; Pagtanda

Mahal, naalala mo ba noong sinabi mong iiwan mo na ako?
Oo at sinabi kong kaya ko, ngunit hindi ko gugustuhin ang mundo ko
Ilang bagahe ng pag habol ang naipon sa ilalim ng aking mata

Dinala ko sa aking balikat ang mga binigay mong rason para pagtakpan ang katotohanang ayaw mo na lang talaga

Hinayaan kong kumapal ang kalyo sa aking paa kakapilit sa sarili na totoo ang sinabi mong mahal mo ako kahit hindi mo ako matignan sa mata

Madilim ang lagi kong gamit na kulay sa labi na galing sa kasinungalingang hindi mo na ako sasaktan muli

Hindi ba’t ikaw ang nag sabing mahalaga ako ng paulit ulit?

Inulit ulit ko inumin hanggang umiikot na ang aking paningin

Gabi gabi sinusuka ko ang sarili kong hindi ko na din matiis

Araw araw gumigising na nagsisising ikaw ang iniisip

Pinilit kong itulog lahat ng ito,

Ngunit hindi ba’t parang katumbas ng bangungot pag naiwan ka sa kalagitnaan

nung buong akala mo ay ayos lahat?
Mahal, naaalala mo ba noong sinabi mong iiwan mo na ako?

Oo at sinabi kong kaya ko, ngunit hindi ko gugustuhin ang mundo ko

Dahil sa ating dumaan na panahon, naging mundo ko ang mundo mo

Tama nga sila’t kailangan ko lang ay pahinga,

at pagpapatawad sa sarili ko

Sa pag pupuyat kakahanap ng isisisi sa pagkatao ko

kaya’t hindi mo ako kinayang mahalin ng lubos

Sa pag pasan ng halaga kong hindi mo nakita’t hinanap-hanap sa iba

Sa pag takip at tapal sa mga sinabi mong ayaw mo sakin para lang hindi ka umalis
Naaalala mo ba noong sinabi mong iiwan mo na ako?

Oo at sinabi kong kaya ko, ngunit hindi ko gugustuhin ang mundo ko

Pero noon yon, at ngayon, andito na ako’t buo

Nakatayo ng deretsyo’t hindi nananakit ang likod

Nakakatulog na ako ng maayos sa gabi
Gusto ko na ito.

Advertisements

Leave something behind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s