Twelve of the twenty-fifth of nine; Hindi ito para sa’yo

Huwag ka mag alala, hindi ito para sa’yo
‘Wag ka magalala, hindi ako nagsusulat para sa’yo

Kailangan ko lang ilabas lahat ng nagtatagong salita na naiipon na sa aking mga buto

Unti-unti na kasi silang nababali sa bigat

‘Wag ka magalala, hindi ako umiiyak dahil sa’yo

Kailangan ko lang tuyuin ang aking dignidad

Masyado kasi akong nawalan ng paki sa aking sarili

‘Wag ka magalala dahil para sa akin lahat ng ito

Sa pag payag kong ibagsak ang binuo kong pader

Sa pag payag kong pag pasok mo sa buhay ko

Sa pag payag kong yakapin mo ako ng mga salita mo

Sa pag payag kong kalimutan ang sarili ko at ang isipin lang ay ang mga bagay na tingin kong ikabubuti mo

Sa pag payag kong masaktan

‘Wag ka magalala, umiiyak ako para sa sarili ko

Na masyadong nagpaka tanga sa’yo

Na masyadong umasa sa’yo

Na masyadong nagpaka lunod sa ilusyon na merong ‘tayo’

‘Wag ka magalala, sinulat ko to para sa sarili ko

Na inuna ko dapat ang nararapat sa sarili ko

Na alam ko dapat na hindi sapat na puro salita lang ang panghawakan ko

Na hindi ko dapat hinayaang dumating pa sa ganito

Na alam ko na hindi na dapat nagkaroon pa ng ilang tula na tungkol at para sa’yo.

Advertisements

Leave something behind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s