Ang totoong kahulugan ng wala

Ang salitang ibig sabihin ay…

Imposible, void, nothing, hindi nabuhay, hindi dumating, hindi nakita, hindi naramdaman, ubos.

May load ka? Wala.

May pagkain ka? Wala.

May kotse ka? Wala.

May boyfriend ka? Wala.

May sasabihin ka? Wala.

May gusto ka? Wala.

May nararamdaman ka? Wala.

Dahil ang pag gamit ng salitang wala ay napaka daling banggitin at mabisang pang tapos.

Hindi mo na kailangan mag hintay ng susunod na sasabihin pa o dahilan kung bakit wala. Dahil kung malaman mo man, ay wala ka nang magagawa.

May pakialam ka ba? Wala.

Tinawag mo ko sa pangalan ko. Nang tinanong kita kung bakit, sabi mo wala.

Wala- wala ka lang ba magawa? O gusto mong sabihing gusto mo ko pero iniisip mong wala din tayong papupuntahan?

Tinanong nila ako kung may nararamdaman ako, sabi ko wala.

Wala, dahil wala akong pakialam. Pero wala, kahit sabihin ko man na meron ay wala rin naman silang maiisip na makakatulong dahil wala, walang ibang solusyon kundi ang hayaan ‘tong nararamdaman ko na mawala.

Gusto kong ipaliwanag ang na sa isip ko pero sa kalagitnaan ng aking pagsasalita ay napatigil ako at sinabing, wala, wala.

Wala, wala na ‘tong patutunguhan maliban sa posibleng mas mahabang argumento.

Dahil wala, wala kang balak intindihin.

Wala lang, iniisip kita at gusto kita mahagkan.

Wala, gusto kong maramdaman na alam mong meron pa ‘tong dapat kasunod, kaya pilitin mo ‘ko.

Wala pa, meron na pero hindi ko pa kayang panindigan.

Wala na, meron pa pero may magbabago ba pag sinabi ko?

Wala lang, gustong gusto na kita makita.

Wala, wala, kelan ko ba makakayang sabihin na

Wala, gusto kita, masasabi mo bang gusto mo din ako?

Wala, wala. Hinahanap kita, hinahanap mo din ba ako?

Wala, wala. Mahal kita, matututunan mo na din ba na mahalin ako?

Pero kung wala ka din naman masasabing hindi ko ikaguguho, mas gugustuhin ko na lang na marinig ang salitang wala.

Wala, ako lang ‘to.

Wala, imposible ang lahat ng ito.

Naisip ko lang na baka, sana, pareho tayo na ginagawa lang panakip ang salitang – wala.

pero ang bobo ko naman para maisip na baka sakaling meron pero, wala eh.

Wala talaga.

Advertisements

Leave something behind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s