Unang attempt na makasulat ng isang tagalog na sulat; Insomnia

Kung pagbibigyan, nais kong makausap ang aking insomnia

Gusto ko siyang makilala

At aking itatanong ang pangarap niya sa buhay ko

Gusto ko malaman ang pinaka rason sa hindi niya pag payag na makatulog ako sa gabi

Makatulog man ay saglit at sobra pa ang isang kamay para mabilang kung ilang oras na lang ang natitira bago ako kailangang bumangon muli

Gusto ko malaman kung paano niya nagagawang makahanap ng mga bagay na bubulabog sa aking utak na wala ako magawa kundi mag muni-muni hanggang may liwanag na akong nakikita sa likod ng mga telang naka takip sa bintana

Gusto ko malaman paano niya nalaman kung ano ang epektibong bagay na manganganak ng manganganak ng kung anu-ano pang babagapag sa isip, at pati narin sa puso ko

Gusto ko malaman kung bakit kahit anong gawin kong pagbaon sa’yo sa dulo ng aking isipan, ay ikaw parin ang siyang tanging lumilitaw gabi-gabi na pumipigil sa aking pag-tulog

Gusto ko malaman bakit ka hinahayaang manalo ng aking insomnia

Gusto ka din ba niya?

Sadya mo din ba ay ang hindi ako patulugin at papahingahin ang aking utak kung saan ka lagi nakasiksik sa sulok-sulok nito?

Bumabawi ka ba dahil sa tingin mo na hindi, hindi kita dapat pilitin hinding isipin?

Gusto ko malaman anong nais mangyari ng akong insomnia sa pagpapa-isip niya sa’yo sa akin

Sa bawat pag-alala ko ba sa’yo sa hating gabi, ay kaya ba niyang lumipad papunta sa kung nasaan ka man, para gisingin ka at ipaalala ako sayo?

Sa bawat pag ikot ko sa kama habang naaalala ang iyong ngiti, ay mararamdaman mo din ba ang nararamdaman ko?

Sa bawat pag dinig ko sa kamay ng relo na nagbabantang nababawasan ang aking tyansyang makakuha ng pahinga, at nadadagdagan lang ang isip ko ng larawan ng bawat anggulo mo, kahit papaano ba’y nahuhulog ka na sa akin?

Sa bawat higpit ng pagpikit ba’y napupunta ako sa iyong panaginip?

At sa bawat pagpayag sa akin na makatulog sa oras kung kela’y ika’y pa mulat na, ay darating ang araw, na gigising ka na mapagtatanto na mahal mo din pala ako?

Advertisements

Leave something behind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s